top of page

Katotohanang hindi mababago.

  • kylaangelongbascon
  • Nov 9, 2016
  • 2 min read

"Ayos lang naman na ilibing si marcos sa libingan ng mga bayani dahil naging pangulo at sundalo siya sa Pilipinas"

"Ilibing na lang yan si Marcos para matapos na yung issue na yan!"

"Support nalang because pogi naman yung anak niyang si Sandro hihi!!"

Hanggang ngayon hindi ko mawari kung bakit nga ba ganito ang pag iisip ng ibang kapwa Pilipino natin tungkol sa isyung paglilibing ng dating diktador na si Ferdinand Marco sa libingan ng mga bayani. "Mag move on na!!" Sabi ng iba, madaling sabihin pero ang hirap gawin lalo na't hindi mo naranasan ang mga dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng batas militar. Para bang sinabi na rin nila na, hindi nila binibigyan halaga ang libo libong buhay ng mga Pilipinong itinaya ang sariling dugo para lang saating bayan, para lang saating kalayaan. Na parang pinapalabas at sinasabi pa ng iba na "tao lang siya, nagkakamali." Pero hindi ba nila naiisip na hindi lang naman simpleng pagkakamali sa pagsusulit o simpleng maling pagbigkas ng salita ang nagawa ni Marcos saating bansa na pwede natin matama o mabago kahit kailan? Dahil ang iniwan niyang marka ay sobrang lalim--- sa sobrang lalim kahit lumipas na ang dalawang dekada ang sugat na nararamdaman hindi pa rin naghihilom, hindi pa rin nagbabago. Baka nga hindi pa sapat ang salitang "habang buhay" para maghilom ito. Sa sobrang lalim kahit kailan hindi matutumbasan ng isang libong dolyar ang mga buhay na nawala.

Hindi sapat ang dahilan na dati siyang pangulo kaya karapatan niya mailibing sa libingan ng mga bayani dahil sa dami ng mga Pilipino nag buwis ng buhay para lang saating bayan, dahil sa dami ng nalabag niyang batas pangtao. Hindi rin sapat ang dahilan na naging sundalo siya lalo na't lahat ng kanyang mga medalya o mga nagawa ay pawang kasinungalingan lamang.

Hindi ko lubusan maisip kung bakit ito nangyayari saating bansa, para bang bumabaliktad lahat. Ang tama nagiging mali habang ang mali ay nagiging tama.

Huwag natin hayaan na masayang lang at mauwi lang sa wala ang buhay ng mga libo libong Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng ating bayan. Huwag natin hayaan na mabago at masama mailibing ang katotohanan ng ating kasaysayan. Dahil balikbaliktarin man natin ang mundo, kahit kailan hindi siya naging bayani.

 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search by tags
Social media
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • YouTube - Black Circle
  • Instagram - Black Circle
How deep is your love - Calvin Harris & Disciples
00:0000:00
bottom of page