Pagod na 'ko.
- kylaangelongbascon
- Feb 25, 2016
- 1 min read

"Pagod na 'ko"
Yan ang mga salita kong binitawan,
Mukha mo'y tila nawalan ng larawan,
Di mo alam kung dapat ito'y pagtawanan,
Lalo na't ngayon ang iyong kaarawan.
Pinilit mong huwag maiyak,
Pero wala kang nagawa,
Kundi umiyak,
At ika'y natawa.
"Seryoso ka ba?"
Tanong mo saakin,
Pilit mong kumalma,
Hinihiling na bawiin,
Na ang sinabi ko'y di tama.
"Oo..."
Wala kang naisagot,
Kundi luhang tagos,
Sa pisngi mo ito'y umagos,
Ni hindi ka nga makatingin ng ayos.
"Pero gusto kong malaman mo...."
Dagdag ko habang nakatitig sa'yo,
At ika'y lumayo,
Iniwan akong nakatayo,
At ako'y humayo.
Iniisip bakit ka'y dali mo kong iwan?
Ni-hindi mo nga alam ang dahilan,
Ni-hindi mo nga ako'y ipinagpaliwanag,
Ni-hindi mo nga ako tinawag.
Pero mahal ko,
Sinta ko,
Irog ko,
Buhay ko.
Pagod man ako,
Pero di ako susuko,
Ito'y ipaglalaban ko,
Ng walang takot.
Dahil mahal ko,
Sinta ko,
Irog ko,
Buhay ko.
Pagod man ako,
Pero ikaw ang aking lakas,
Sa karamdaman kong di ako maka-kalas,
Dahil kaunti nalang ang panahon ko.
Pagod man ako,
Pero gusto ko'y iyong malaman,
Na hindi ako mapapagod mahalin ka,
Hanggang sa huli kong hininga.
Comments