Dalawang salita, apat na pantig.
- kylaangelongbascon
- Jun 2, 2016
- 1 min read

"Mahal kita" Dalawang salita, apat na pantig. Isinisigaw ng aking damdamin. Naririnig mo ba? 'Di magawang ibigkas, dahil walang sapat na lakas, mga salitang pilit na tumatakas, sa mundong para bang wala ng bukas.
"Mahal kita" Dalawang salita, apat na pantig. Mahal kita. Naririnig mo ba? Pakinggan mo muna ko, mahal. Mahal kita, hindi dahil sa pisikal mong panlabas. Mahal kita, hindi dahil sa estado ng iyong buhay. Mahal kita, hindi dahil sa atensyon iyong ibinibigay. Mahal kita, hindi dahil sa iyong matatamis na ngiti. Mahal kita dahil mahal kita. Mahal kita, hindi pa ba iyon sapat na dahilan para ako'y iyong paniwalaan? Mahal kita, hindi pa ba iyon sapat na dahilan para ika'y magtiwala saakin? Mahal kita, hindi pa ba iyon sapat para iyong maramdaman?
"Mahal kita" Dalawang salita, apat na pantig. Salitang binibitawan sa umpisa, salitang binibitawan pag sinasabi ang nadadama, salitang binibitawan na kaya ko pa, salitang binibitawan pag susuko ka na, salitang binibitawan para pakawalan ka na, salitang binibitawan pag pagod ka na.
"Mahal kita" Dalawang salita, apat na pantig. Mahal kita. Mahal na mahal kita, pero panahon na para bitawan ka.
Comments