Gaano nga ba kadali?
- kylaangelongbascon
- Nov 1, 2016
- 1 min read

Gaano nga ba kadali?
Gaano nga ba kahirap intindihin ang isang tao?
Isang taong naghahanap ng kanyang papel sa mundo,
Ni wala nga siyang mahanap na ideya o kasagutan sa kanyang mga tanong kung hindi gulo.
Gaano nga ba kahirap intindihin ang isang tao?
Kung sarili niya mismo hindi niya magawang maintindihan?
Kung siya mismo hindi alam ang kanyang dahilan,
Kung bakit nga ba siya isinilang
Sa mundo nating mapaghusga.
Gaano nga ba kahirap intindihin ang isang tao?
Hindi ito gaya ng simpleng pagbibilang mula isa hanggang sampu,
O simpleng pag wawaldas ng isang libo
Na pinagipunan mo ng dalawang linggo.
Dahil balikbaliktarin man natin ang mundo,
Mahirap intindihin ang isang tao
Lalo na’t pag hindi mo alam ang kanyang kwento.
Pero gaano kabilis husgahan ang isang tao?
Huminga ka lang walang duda ika’y huhusgahan ka nila.
Sumuot ka lang ng maikli
Marami na silang masasabi,
Tulad ng mga salitang "pokpok", "nagalaw na", "malandi yan" at marami pang iba.
Sumuot ka lang ng mahaba,
Pagtatawanan ka na nila.
Dahil sa sobrang makaluma ka
Daig mo pa nga raw si Maria Clara.
Minsan nga pag kakamalan ka pa na terorista
Kahit nananahimik ka lang sa gitna.
Nakakatawa diba?
Pero ayan ang totoo.
Katotohanan ibinubulag ang ating mundo,
Katotohanan mahirap mabago.
Dahil sa mundong ginagalawan natin ngayon,
Huhusgahan ka nila.
Hindi ayon sa diploma’t medalyang natanggap mo.
Huhusgahan ka nila
Hindi ayon sa kabutihan ng iyong puso.
Huhusgahan ka nila
Ayon sa pananamit mo,
Dahil ayun lamang nakikita
Ng kanilang mga mapanghusgang mata.
Comments