Pinagtagpo pero hindi tinadhana.
- Sep 9, 2016
- 3 min read

"Pinagtagpo pero hindi tinadhana."
Ang kwento na siguro natin ang isa sa mga pinakamagandang halimbawa ng katagang ito
Pag ibig na kahit kailan
Hindi na itinangkang ipagpilitan
Para wala ng lumaban,
At nasaktan
Pag ibig na ibinulag ang katotohanan,
At kasalukuyan
Na kahit kailan,
Hindi talaga tayo nilaan para sa isa't isa.
Pag ibig na bunga ng pag mamadali
At kakulangan ng oras at atensyon
Pag ibig na akala mo'y tunay
Pero nababalot lang pala ng kinasanayan
At tensyon
Pero mahal,
Gusto kong ipaalam sa iyo na kahit kailan hindi ako nagsisisi
Kung babalik man ako sa nakaraan yun pa rin ang desisyon na pipiliin.
Dahil kahit hindi tayo itinadhana,
Nagagalak ako ika'y aking nakilala
Sa katunayan matagal na kitang gustong gawan ng tula
Oo, matagal na.
Matagal na kitang gustong gawan ng tula,
Pero hindi alam kung saan mag si-simula
Kung sa masaya ba
O sa aking pag luha
Kung sa pasasalamat ba
O sa pag pa-patawad
Kung sa pananatili ba
O sa pag lisan
Kung sa pag suko ba
O sa pag laban
Kung sa nakaraan ba
O sa kasalukuyan
Pero isa lang nasisigurado ko.
Matagal na kitang gustong gawan ng tula,
Pero hindi alam kung saan mag sisimula
Di alam kung ilang saknong ang magagawa
Dahil sa dami ng tanong na nagawa
Di alam kung may salitang mag tu-tugma
Dahil sa aking nadarama
Di alam kung makakabisado ko ba
Dahil sa haba ng aking na lathala
Pero sana sa huling pagkakataon,
Mapagbigyan mo ko mahal
Hayaan mo 'kong ikwento ka,
Hayaan mo 'kong ibahagi ka,
Sa huling pagkakataon
Sabi nila pag ika'y nag mahal
Ay parang pag taya,
Parang pag sugal
Di alam kung ika'y sasaya,
Di alam kung ito'y mag tatagal.
Basta ang alam niyo,
Mahal niyo ang isa't isa
Basta ang alam mo,
Masaya ka pag kasama mo siya
Kaya salamat mahal,
Salamat sa iyong mga matatamis na ngiti
Salamat sa walang humpay na pagiintindi
Salamat sa masasayang ala ala na kahit kailan hindi malilimutan
Salamat sa mga saya mong idinala sa madilim kong buhay,
Salamat sa mga oras na iyong ibinigay
Salamat dahil buhay ko'y nagkaroon ng saysay,
Salamat dahil ikaw ang naging kasagutan saaking mga dasal
At higit sa lahat,
Salamat dahil nandiyan ka
Salamat sa iyong pag mamahal,
Salamat mahal.
Pero patawad,
Patawad mahal,
Kung hindi ko na matutupad ang aking mga binitiwang pangako
Patawad mahal,
Kung hindi ko na magagawa ang ating mga plinano
Patawad mahal,
Kung ako'y bibitaw na
Patawad mahal,
Kung ika'y bibitawan na
Bibitawan kita hindi dahil hindi na kita mahal.
Bibitawan kita,
Dahil wala ng mas hihigpit sa maluluwang mong pag hawak sa aking mga kamay
Bibitawan kita,
Dahil wala ng mas sasakit tuwing nakatingin ka sa iba habang tayo'y magkasama.
Bibitawan kita,
Dahil wala ng mas iinit sa mga yakap na ibinibigay mo sakanya,
Sa panahon na kailangan kita
Bibitawan kita,
Dahil wala ng mas bibilis sa iyong mga sagot na minsan nga umaabot pa ng dalawang gabi.
Bibitawan kita hindi dahil hindi na kita mahal.
Bibitawan kita,
Dahil sa sobrang pag mamahal ko pala sayo,
Nalimutan ko na mag tira para saakin sarili
Dahil sa sobrang pag mamahal ko pala sayo,
Nalimutan ko na yung mga taong tunay na nag mamahal at na saakin tabi
Dahil sa sobrang pag mamahal ko pala sayo,
Hinayaan kong mabulag ako sa katagang "Mahal kita at mahal mo rin ako."
Sa katagang "Mahalagang mahalaga ka saakin."
Sa katagang "Ikaw lang at wala ng iba."
Dahil sa sobrang pag mamahal ko pala sayo,
Hinayaan kong ako'y mabulag sa katotohanan na nasa harapan ko na pala
Sa katotohanang hindi pala tayo para sa isa't isa,
Sa katotohanang para ka sakanya.
Matagal na kitang gustong gawan ng tula,
At ngayon alam ko na kung saan ako mag sisimula
Hindi sa masaya o sa aking pag luha
Hindi sa pasasalamat o sa pag papatawad
Hindi sa pananatili o sa pag lisan
Hindi sa pag suko o sa pag laban
Hindi sa nakaraan o sa kasalukuyan
Mag sisimula ako,
Mag sisimula ako.
Sa pag tanggap.
Sa pag tanggap na masaya ka na sa iba
Sa pag tanggap na hindi na ko ang iyong kasama sa pag simba
Sa pag tanggap na tapos na ang ating kwento
Sa pag tanggap na hanggang dito na lang tayo
At wala ng hihigit pa.
Sa pag tanggap na kahit mamuti ang uwak,
Kahit bumaliktad man ang ating mundo,
Kahit maging araw man ang gabi,
Sa huli,
Mananatiling babae ka,
At babae ako.
















Comments