top of page

Pag amin.

  • kylaangelongbascon
  • Mar 11, 2016
  • 1 min read

Mula elementarya tayo'y na magkaibigan,

sabay natin ginagawa ang ating kinahihiligan,

pag sampa ng hayskul nagkaroon ng pagitan,

ika'y nasa kanluran, ako'y naman sa silangan.

Ako'y nalungkot sa pangyayari,

gusto kitang puntahan hanggang maari,

ngunit hindi ko mawari,

bakit kailangan ito mangyari?

Pagtungtong ng kolehiyo ika'y aking nakita,

iba ka na saaking nakilala,

hindi na ikaw ang dati 'kong sinisinta,

pero ang mga ngiti mo'y ang nagpapaalala.

Iniwagayway mo ang iyong kamay nung ako'y iyong nakita,

"Oh Jose, ako pa ba'y iyong naalala? Maria pala ang iyong kababata."

Tayo'y nagkwentuhan ng parang walang tulugan,

dinaramdam ang bawat salitang binibitawan.

Mas lalo tayo'y nagkalapit nung ikatatlong antas,

ang pag sinta ko'y sayo wala pa ring kupas,

parang tayo'y di mapaghiwalay na sintas,

hinihiling na sana ang nararamdaman ay patas.

Isang linggo bago matapos ang kolehiyo,

napagtanto kong ipagtapat sayo,

ang isinisigaw ng puso ko.

Dumating na ang araw na hinihintay,

nakuha na rin ang diploma't medalyang walang kapantay,

habang nakikita ang babaeng nagbigay saakin ng saysay,

sa buhay 'kong para ng patay.

Pagkatapos ng seremonya ako'y lumapit,

at ako'y nagsimulang umawit,

mga ngiti mo saakin ay umakit,

na parang abot langit.

"Oh Maria ako'y may gustong ipagtapat,

hindi ko alam kung ang puso'y sapat,

para ako'y maging karapatdapat,

sa puso mong walang katapat."

Binigyan mo 'ko ng katakot-takot na tingin,

hindi ko mawari ang aking gagawin,

di alam kung ano ang isinisigaw ng damdamin.

"Oh mahal gustuhin ko man ika'y maging akin,

nalalabi kong oras ay hindi sapat para ika'y ibigin."

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search by tags
Social media
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • YouTube - Black Circle
  • Instagram - Black Circle
How deep is your love - Calvin Harris & Disciples
00:0000:00
bottom of page